muzii Gossip Freak
Location : sa kanto.
Join date : 2009-05-29
| Subject: excerpts from bob ong =)) ahihi Thu Jun 25, 2009 8:54 am | |
| “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep na kapag buo ang binigay mo, sinusuklian ka pa din kahit papaano..”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa katangahan kundi pagkukusa.”
“ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. ang tao puwedeng magadjust pero ang bagay at panahon hindi.”
“Kahit kailan walang maling desisyon. Nagiging mali lamang ang isang desisyon kung hindi ito napaninindigan.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
“Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.”
“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan. Imbis na magtanong ka ng “Hindi pa ba sapat?” Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.
“Wag kang magpadala sa salitang “sorry” at “ayokong mawala ka” kung totoo yun,patunayan nya.”
“Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? ”
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
“sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo…. kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”
“Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.”
“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay.kasi hindi ikaw ang priority.”
“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili nya.”
“Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sayo eh…kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya”
“Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin”
ahaha!!
sapul aq..ilag! =)) | |
|
Elboy Gossip Addict
Birthday : 1989-12-31
Age : 34
Location : Olongapo/Subic Bay Metropolitan Authority
Join date : 2009-06-04
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Thu Jun 25, 2009 9:06 am | |
| clap clap..........wow haba ah ...dati b ung novelty o script writer ? Lahat patama sa mga ....______....pusong natibok hah! | |
|
muzii Gossip Freak
Location : sa kanto.
Join date : 2009-05-29
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Thu Jun 25, 2009 9:09 am | |
| wee.. bsahin mu mga buks ni bob ong.. lahat mgnda.. heheh! | |
|
Elboy Gossip Addict
Birthday : 1989-12-31
Age : 34
Location : Olongapo/Subic Bay Metropolitan Authority
Join date : 2009-06-04
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Thu Jun 25, 2009 9:14 am | |
| okie.......make sense to me ill search this, hahabdoh din cguro un hahahhahaaaaaaaaa...'nyway mamats sa tip! | |
|
priinxces Gossip Geek
Birthday : 1992-05-08
Age : 32
Location : batangas
Join date : 2009-05-27
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Thu Jun 25, 2009 8:58 pm | |
|
nice one sis.. ja9..
lurb koh ce bob ong ;]]
hakhak!
| |
|
miNgkay Gossip Maniac
Birthday : 1996-06-01
Age : 28
Location : Vancouver,BC, Canada
Join date : 2009-06-01
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Sun Jun 28, 2009 5:03 am | |
| read those,.
haha,.
adeek acu sa books ni bOb ong,.
hihi!!
| |
|
zhashin Gossip Maniac
Birthday : 1995-10-02
Age : 29
Location : "somewhere down the road!ak.ak"
Join date : 2009-06-03
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Sat Jul 04, 2009 12:39 am | |
| omfg
bob ong
i lub his work
best writer & webmaster:) hihi
phalag?
| |
|
SBf=ashley=AG Gossip Maniac
Location : nueva ecija
Join date : 2009-06-02
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi Fri Jul 17, 2009 8:32 am | |
| | |
|
Sponsored content
| Subject: Re: excerpts from bob ong =)) ahihi | |
| |
|